March 25, 2023 @3:55 PM
Views: 70
MANILA, Philippines – Matikas na sinimulan ng Leviathan Swim Club ang kampanya sa napagwagihang walong medalya kabilang ang tatlong ginto sa freestyle events sa pagsisimula ng COPA Golden Goggle Championship Leg 1 at 2 nitong Sabado sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Center ( RMSC) sa Malate, Manila.
Nanguna sina Kean Sebastian Paragatos, Ahston Clyde Jose at Yuri Acidre sa kani-kanilang age-group class sa 200-meter freestyle para maiparamdam ang marubdob na hangarin manguna sa torneo na inorganisa ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. na pinamumunuan ng Olympian at Philippine Sports Hall- of-Famer Batangas 1st District Congressman Eric Buhain.
Nagtala si Paragatos ng 2:28.16 para ipanalo ang boys 13-yrs old class laban kina Alrech Gregory Sarmiento ng D’Rising Aquaducks (2:40.76) at Mark Perez ng Ilustre East Aquatic (2:46.54), habang si Jose ay naorasan ng 2:11.82 sa boys 14-yrs old showdown kontra John Villanueva of Pasigswim (2:22.21) at Zion Jalia of Marikina Swim Club (2:23.45).
Inangkin ni Acidre ang ikatlong ginto ng Leviathan sa panalo sa 16-yrs class na may oras na 2:07.92 laban kina Meynard Marcelino ng D’Rising (2:08.84) at CJ Valenzuela ng Acquathlete Swim sa unang dalawang serye ng torneo na pinalakas ng Speedo at suportado. ng Philippine Sports Commission at MILO.
“Masaya tayo sa naging turnout, mayroon kaming 370 swimmers at bilang bahagi ng adbokasiya ng COPA na inclusivity, tumatanggap kami kahit na hindi miyembro ng COPA at mga mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan nang walang bayad,” sabi ni COPA treasurer Chito Rivera.
Si John Paul Elises, 18;(2:03.05), Clane Briana Lim, 13 (2:44.67) at Benylde Urquico, 16 (2:28.58), ay pumangalawa sa kani-kanilang grupo, habang si Janna Rysa Articulo, 13(2:48.06), Giacinta Balucating, 14 (2:34.58), and 9-yrs old Rhian Angat (4:45.79) ay nag-ambag ng bronze medals.
Ang South Rapids ay umangkin ng dalawang ginto sa pamamagitan nina Xian Tiburcio sa girls 9-yrs (3:23.73) at Elisha Belarmino sa 10-yrs class, habang ang mga teammates na si Paula Malaga ay nag-angkin ng bronze sa girls 8-yrs (5:02.49).
Ang iba pang nanalo sa Day 1 ay sina Keisha Asturiano f Flying Lampasot sa girls 14-yrs (2:23.76); Patricia Santos ng Ilustre East sa 15-yrs. (2:24.07); Sealtiel Daiz ng Alcantara Aquatics (2:24.08); Ihiazel Fei Dolliente ng San Beda College sa mga batang babae 17-yrs. (2:21.53); Dave Geda ng Pasigswim sa boys 15-yrs (2:15.66); Angelo Sadol sa oys 17-yrs. (2:06.10);
Alexander Chua ng All-Star Swim sa boys 18-over (2:00.83); Allianah Soriano ng Coach King sa girls 11-yrs (2:50.84); Jamie Sy ng Flying Lampasot sa girls 12-yrs (2:43.10); Yoanna Bersam, sa Ilustre East sa girls 13-yrs (2:41.86); Marcus Pablo ng Aqua Knight sa boys 7-yrs (4:14.17); George Daluz ng Balayan, 8, (3:36.78); John Rey Lee ng Brave Dolphins, 9 ,(3:17.50); David Reyes ng Ilustre East, 10, (3:09.98); at Samantha Mia Mendoza ng Coach King sa girls 8-yrs (3:32.73).RICO NAVARRO