2 todas sa sunog sa QC

2 todas sa sunog sa QC

March 6, 2023 @ 7:43 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Todas ang dalawang katao habang dalawa naman ang sugatan nang sumiklab ang sunog sa isang residential area kaninang umaga, Marso 6 sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang mga namatay na sina Lophel Dioso, 50 anyos, at Ghian Andrew, 16, kapwa residente ng barangay Batasan Hills, Q.C.

Sugatan naman sina Mike Milallos at Gelin Dioso, 48, na nagtamo ng mga paso sa mukha, kamay, balikat at braso.

Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-6:58 ng umaga nang masunog ang naturang tirahan sa Kalayaan B6 Alley St., Brgy. Batasan Hills, Q.C.

Umabot lamang ito sa unang alarma bago naideklarang under control bandang 7:06 ng umaga at tuluyang naapula pagsapit ng alas-8:15 ng umaga.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng BFP sa nangyaring sunog upang matukoy ang pinagmulan nito, gayundin ang halaga ng mga ari-ariang nilamon ng apoy. Jan Sinocruz