Kelot arestado sa bomb joke

March 24, 2023 @7:56 AM
Views: 8
MANILA, Philippines- Naaresto ng security personnel ang hindi pinangalanang lalaki sa kanyang bomb joke sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), at dinala sa local police station nitong Miyerkules.
Inihayag ng MRT-3 management nitong Huwebes na nakapila ang lalaki sa baggage inspection ng Shaw Boulevard station ng rail line nang arestuhin ng security personnel dahil sa bomb joke.
“The passenger was turned over to the Wack Wack Police Station, Substation 3 at about 9 p.m. of the same day,” pahayag ng pamunuan.
Nagsagawa na ang Mandaluyong City Prosecutor’s Office ng preliminary investigation sa insidente habang kasalukuyang nakaditine ang suspek sa Mandaluyong City Police Station.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 o “Anti-Bomb Joke Law.”
Umapela naman ang MRT-3 management sa publiko na iwasan ang bomb jokes at pekeng bomb threats sa loob ng MRT-3 premises dahil ito ay “serious crime and may cause unnecessary inconvenience to the operations.” RNT/SA
SRA Administrator Alba nagbitiw sa pwesto – board member

March 24, 2023 @7:42 AM
Views: 12
MANILA, Philippines- Nagbitiw sa pwesto si Sugar Regulatory Administration (SRA) chief David Thaddeus Alba, ayon kay SRA board member Pablo Luis Azcona nitong Biyernes.
Sa panayam, sinabi ni Azcona na tinalakay ang resignation ni Alba sa board meeting.
“Hindi pa naman kami (Alba) nag-usap personally pero ‘yun po ang alam ko,” ani Azcona.
Aniya pa, wala siyang impormasyon kung ang pagbitiw sa pwesto ni Alba, na maaaring dahil sa health reasons, ay tinanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Wala pa kaming information. What I only know, ‘yung sinabi samin, he submitted it already and it was received. Whether or not it is acted upon already, naaktuhan na, I don’t know kung naaksyunan na,” sabi niya.
Ayon kay Azcona, nagpasa ng board resolution na nagbibigay-awtorisasyon sa kanila na isagawa ang responsibilidad ng administrator. RNT/SA
137 dagdag-kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

March 24, 2023 @7:28 AM
Views: 16
MANILA, Philippines- Nakapagtala sa Pilipinas nitong Huwebes ng 137 bagong COVID-19 infections, habang umakyat ang tally ng active cases sa 8,414.
Batay sa pinakabagong datos ng DOH, pumalo na ang caseload ng bansa sa 4,079,501. Tumaas ang bilang ng mga gumaling sa 4,004,783, habang naitala ang death toll na 66,304.
Sa nakaraang dalawang linggo, naiulat sa National Capital Region (NCR) ang pinakamaraming kaso sa lahat ng mga rehiyon sa 639 infections, sinundan ng Davao Region sa 301, Calabarzon sa 247, at northern Mindanao at Soccskargen sa tig-184 cases.
Hanggang nitong Miyerkules, may kabuuang 6,880 sinuri, habang 324 testing laboratories ang nagsumite ng datos, base sa DOH.
Samantala ang bed occupancy naman ng bansa ay 15.7% kung saan hindi bababa sa 3,876 beds ang okupado habang 20,768 ang bakante. RNT/SA
6 pang suspek sa Degamo slay sumailalim sa inquest

March 24, 2023 @7:14 AM
Views: 11
MANILA, Philippines- Sumailalim ang anim pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ), nitong Huwebes.
“‘Yung isa last surrender ‘yun. ‘Yung lima hawak na namin since the other day pero ito last surrenderee na ito,” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Base kay Remulla, nais ng 10 suspek sa ilalim ng kustodiya ng National Bureau of Investigation na sumailalim sa Witness Protection Program (WPP).
“Meron tayong arrangement na ginagawa diyan. At least for the protection of their families,” ani Remulla.
“Because they know that they have no other recourse to have their families protected and we’re willing to do that because they’re very important to the case at hand,” dagdag niya.
Inihayag pa ng Justice Secretary na kakapanayamin ang mga suspek ng WPP sa ngayong Biyernes para sa proteksyon ng kanilang pamilya.
“For them itself, it’s very hard to know if they will be under witness protection later because we cannot discharge anybody as a state witness at this point in time because we’re still getting the whole story straight,” sabi ni Remulla.
Pinatay si Degamo at walo pa habang sugatan ang ibang indibidwal sa tahanan ng gobernador noong Marso 4.
Sinabi ng mga awtoridad na sumuko ang isang suspek noong nakaraang linggo habang habang ang apat na inilarawan bilang “major players” sa pagpatay ay sumunod na sumuko sa militar.
Inihayag ni Remulla na sa 10 suspek sa pagpatay, siyam ang direktang sangkot sa pagpatay sa gobernador.
Aniya, sinisilip ng mga awtoridad ang lima hanggang anim na “direct conspirators.” RNT/SA
Balitang patay na si Imelda, pinabulaanan ni Imee

March 24, 2023 @7:00 AM
Views: 16