2 totoy na sumaksak, pumalo ng baseball bat sa kapwa menor, arestado

2 totoy na sumaksak, pumalo ng baseball bat sa kapwa menor, arestado

September 22, 2022 @ 2:44 PM 1 week ago


(Photo contributed by Joshua Abiad)

 

MANILA, Philippines – DINAKIP ang dalawang menor de edad na responsable sa pananaksak at pamamalo ng baseball bag sa isang kabataan kagabi sa lungsod ng Quezon.

Ayon kay Quezon City Police District. (QCPD) Director PBGEN Nicolas D. Torre III, ang mga inaresto ay nasa edad 13 at 15 habang ang biktima naman ay 14 anyos.

Base sa ulat, dakong 7:15 ng gabi (September 21) nang maganap ang insidente sa harap ng Judge Juan Luna High School sa Q.C.

Lumalabas na naghihitay sa labas ng paaralan ang biktima nang lapitan siya ng grupo ng kalalakihan at walang sabi-sabi na sinuntok , pinalo ng baseball bat at sinaksak siya ng mga ito.

Agad naman humingi ng tulong ang kapatid na babae ng biktima matapos makita nito ang pangyayari sanhi upang magreponde ang mga BPSOs ng Brgy. San Antonio at dinala sa Quezon City General Hospital (QCGH) upang malunasan ang tinamong sugat ng binatilyo.

Mabilis naman na nagsagawa ng follow-up operation ang mga BPSO’s sanhi upang madakip nila ang dalawang suspek saka dinala sa hospital na positibo naman tinuro ng biktima na siyang nanakit sa kanya.

Nireport ang nasabing insidente sa Masambong Police Station (PS 2) bandang 10:20 gabi na siyang nagsagawa ng imbestigasyon at nakipag-coordinate sa City Social Welfare and Development (CSWD) para sa pangangalaga sa mga suspek.

“Binabati ko ang naging agarang aksyon ng QCPD lalong-lalo na mga masisipag na BPSOs ng Brgy San Antonio, Quezon City dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho para mahuli ang mga suspek sa pananaksak sa binatillyo na kasalukuyang naka confine sa QCGH,” saad ni Mayor Josefina “Joy” Belmonte.

“Katuwang ng pulisya ang ating mga BPSOs kung kaya’t pinupuri ko sila sa kanilang pag-ganap ng tungkulin ay agad na nahuli ang mga salarin sa pananaksak sa kaawa-awang binatilyo, ang pagkakadakip sa kanila ay isa lamang patunay na walang puwang sa ating lungsod ang anumang karahasan dahil sinisiguro namin sa inyo na kapag kayo ay gumawa ng ilegalidad, kayo ay mananagot sa batas.” pahayag ni PBGEN Nicolas D Torre III.”

“Ako ay lubos na nagagalak sa bawat miyembro ng komunidad, dahil sa kanilang pakikiisa para matugunan at masolusyunan ang anumang karahasan sa ating pamayanan, ang pagkakadakip sa mga salarin ay isa lamang patunay na hindi nagpapabaya ang ating kapulisan at Barangay para mapanatiling ligtas ang komunidad.” dagdag pa ni Acting Regional Director, PBGEN Jonnel Estomo. Jan Sinocruz