2 traffic enforcer patay; 1 sugatan sa ratrat ng riding-in-tandem

2 traffic enforcer patay; 1 sugatan sa ratrat ng riding-in-tandem

July 15, 2022 @ 7:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Patay sa tama ng mga bala ang dalawang traffic enforcer at sugatan ang kasama ng mga ito makaraang ratratin ng riding-in-tandem sa paglabag sa batas-trapiko sa Cardona Rizal.

Kinilala ni P/Capt. Reynaldo Año, hepe ng Cardona PNP ang dalawang nasawi na sina Gil Tancingco at Marcial Julian, at sugatan naman si Kevin Jerome Cruz, kapwa mga nakatalaga sa Municipal Task Force ng Cardona.

Agad tumakas ang mga suspek sakay ng gate away motorcycle dala ang ginamit na baril sa krimen.

Ayon sa opisyal, dakong alas-4:15 ng madaling araw, Huwebes, nang mangyari ang brutal na pamamaril ng mga suspek sa mga biktima sa National Road kanto ng San Pedro St., Brgy., Real sa nabanggit na bayan.

Nabatid sa ulat na naka-duty ang mga biktima nang dumating ang dalawang suspek sakay ng itim na Honda click motorcycle walang plaka at sinita.

Bumaba ang backrider at tsaka bumunot ng baril at niratrat ng putok ang tatlong enforcer na ikinasawi ng dalawa.

Hawak na ng awtoridad ang mga kuha sa CCTV camera para sa mabilis na ikaaaresto ng mga suspek.

Dagdag ni Año, simpleng traffic violation na nauwi sa madugong pamamaril. Rene Tubongbanua