2 tren nagsalpukan sa Barcelona; higit 150, sugatan

2 tren nagsalpukan sa Barcelona; higit 150, sugatan

December 8, 2022 @ 11:42 AM 2 months ago


ISTANBUL- Nagsalpukan ang dalawang tren sa istasyon sa Barcelona nitong Miyerkules, kung saan mahigit 150 indibidwal ang nagtamo ng sugat.

Karamihan sa kanila ay nakaranas ng mild injuries, ayon sa Medical Emergencies System of Catalonia sa Twitter post.

Inihayag ng Spanish state-owned operator Renfe na bumangga ang tren sa isa pa mula sanlikod sa Montcada i Reixac station bandang alas-7:50 ng umaga (0650GMT), ayon sa news agency EFE.

Kapwa binabaybay ng dalawang tren ang R4 suburban line ng Renfe, na kasalukuyang isinara dahil sa rail traffic, maging ang dalawa pang linya, R7 at R12.

Gumugulong na ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng aksidente, base sa ulat. RNT/SA