2 tserman sa NegOcc pinagbabaril-patay!

2 tserman sa NegOcc pinagbabaril-patay!

August 27, 2022 @ 11:19 AM 1 month ago


BACOLOD CITY – Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) sa magkasunod na pamamaril-patay sa dalawang barangay chairman Negros Occidental nitong Biyernes.

Sinabi ni Brig. Gen. Leo Francisco, director ng Police Regional Office-Western Visayas, inatasan na niya si Col. Leo Pamittan, police provincial director, na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa nasabing krimen.

β€œTwo elected officials have been killed one after the other. We are looking at the possibility that these are interconnected,” ani Francisco.

Magugunitang na noong Miyerkules ng gabi, binaril-patay si PB Danilo Dautil, 62, ng Barangay Cabcab sa bayan ng Isabela ng dalawang hindi kilalang suspek habang ay naglalakad pauwi sa kanilang tahanan.

Dinala sa Isabela District Hospital si Dautil pero kalaunan ay nalagutan rin ng hininga.

Ayon kay Major Joseph Partidas, hepe ng Isabela Municipal Police Station, hinihinala nilang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang nasa likod ng krimen.

Tinitignan na rin nilang pagnanakaw o pulitika ang isa sa mga motibo sa krimen dahil kabilang si Dautil sa ginagawang kampanya ng gobyerno sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Sunod naman binaril-patay nitong Biyernes si PB Benjamin Javoc, 54, ng Barangay Lalong sa bayan ng in Calatrava.

Dakong 4:30 AM nitong Biyernes pinasok si Javoc ng higit sa 10-armadong kalalakihan sa loob ng bahay nito at pinagbabaril.

Ayon kay Major Lumyaen Lidawan, hepe ng Calatrava Municipal Police Station, tinangay pa ng mga suspek ang mahahalagang papeles at P20,000.00 halaga ng pera ni Javoc./Mary Anne Sapico