2 Tsino dinamba sa P102M bato

2 Tsino dinamba sa P102M bato

July 6, 2022 @ 10:04 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang Chinese national matapos makuhanan ng mahigit P100 milyong halaga ng crystal meth o “shabu” sa buy-bust operation sa Malate, Maynila.

Sinabi ng Manila Police District na sina Bin Hu, 42, at Jiankang Liang, 42, ay nahuli sa Cultural Center of the Philippines Bay Terminal Parking Lot sa Barangay 720 noong Lunes ng gabi.

Nasamsam ng mga anti-narcotics operatives mula sa mga lalaki ang humigit-kumulang 15 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102 milyon, dalawang piraso ng P1,000 bill, isang blue android cellular phone, at isang gray metallic Toyota Fortuner.

Sina Hu at Liang ay inilagay sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-National Capital Region, sabi ng pulisya.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga naarestong suspek dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT