2 Tsino tiklo sa P20M ‘tsaa-bu’

2 Tsino tiklo sa P20M ‘tsaa-bu’

March 10, 2022 @ 11:00 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nadakip ng pinasanib awtoridad ang dalawang Chinese national matapos na kumagat sa buy-bust operation na isinagawa kagabi, Miyerkoles, sa Quezon City.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Aagency Director General Wilkins Villanueva ang mga naaresto na sina Zeng Shiliang, 49 anyos, nakatira sa Balong Bato, Q.C.; at Lee Jack, 44, residente ng Speaker Perez St Q.C.

Base sa ulat, dakong 11:30 ng gabi (March 9) nang isagawa ang drug operation sa Unit 705 Nice Hotel Mary Street Brgy. E. Rodriguez, Q.C.

Isang ahente ng PDEA ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na  dinakma ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa dalawa ang tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400,000, identification cards, iba’t-ibang dokumento, 2 cellular phone at buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang  Comprehensive Dagenrous Drug Act of 2002.

Ang nasabing operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Quezon City Police District (QCPD), PDEG, AFP at NICA. Jan Sinocruz