2 tsinoy, arestado sa kasong pagdukot

2 tsinoy, arestado sa kasong pagdukot

September 23, 2022 @ 1:50 PM 1 week ago


CEBU CITY- Arestado ang dalawang Chinese national na nahaharap sa kasong pagdukot sa ginawang operasyon ng mga awtoridad kamakailan sa Lapu-Lapu city.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Annie Marie Militante ng RTC Branch 53, ng lungsod nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Tuanjie Lin, 50 anyos, at Ji Chenglong, alias β€œYang-Gou/Jay/Jayson” 33 anyos at umano’y mga kasamahan ng 4 na Chinese nationals na napatay noong Mayo 30, 2022.

Ayon kay P/Lt. Zosimo Ravanes, team leader ng Anti-Kidnapping Group-Visayas Field Unit (AKG-VFU), positibong kinilala ng mga testigo si Lin na umarkila ng Toyota Innova na ginamit sa pagkidnap sa biktimang si Lyu Xingou, 70 anyos, noong Mayo 25 habang si Ji na isang may-ari ng isang travel agency mula sa Fujian, China ang nagbigay sa lahat ng detalye tungkol kay Lyu.

Habang tugis naman ng mga awtoridad ang isa pa na lider umano ng grupo nina Lin.

Nakakulong ngayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Lapu-Lapu City ang mga suspek na nahaharap sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention. Mary Anne Sapico