2 tulak arestado sa buy bust sa Kyusi… isa nanlaban

2 tulak arestado sa buy bust sa Kyusi… isa nanlaban

October 8, 2018 @ 6:48 PM 4 years ago


 

Quezon City – Sugatan ang isa sa dalawang tulak na inaresto sa isinagawang buy bust operation sa Sitio San Roque2, Brgy. Bagong Pag-asa, sa Quezon City.

Sa ulat, ala-1 kaninang hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang Masambong police sa bahay ni Pablo Pagulauyan Orallo Jr., 44-anyos

Agad na naaresto si Pablo alyas Junior habang sinubukan namang tumakas ng kasama nitong si Mark Seguilla y Rollion alyas Macmac.

Nang habulin ito ng mga pulis ay nagpaputok pa ito dahilan para siya ay barilin din ng isa sa mga pulis.

Tinamaan sa tiyan si Macmac na agad na dinala sa ospital para malapatan ng lunas.

Nakuha mula sa mga suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu, 500 peso bill buy bust money at isang cal. 22 revolver. (Remate News Team)