2 tulak arestado sa buy-bust

2 tulak arestado sa buy-bust

June 27, 2018 @ 3:51 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga kabilang ang 29-anyos na bebot sa magkasunod na buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan at Pasay City.

 

Sa imbestigasyon ni PO2 Jerome Pascual, unang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PSI Cecilio Tomas Jr. kontra kay Ivy De Luna, 29, sa loob ng isang bahay sa 113B Masagana St., Brgy. 73, na nagresulta sa pagkakaresto sa suspek.

 

Narekober kay De Luna ang 18 transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu.

 

Ininguso naman ni De Luna ang kanyang source ng droga na si Jerome Gaje alyas “Kalbo”, 23 ng175 Estrella St. Pasay City kaya agad nagkasa ng follow-up buy-bust operation ang mga operatiba kontra kay Gaje sa loob ng isang bahay sa P. Burgos St., Pasay City alas-12:10 ng hating gabi.

 

Matapos iabot ni Gaje ang isang transparent plastic na naglalaman ng 70 gramo ng hinihinalang shabu sa operatiba na nagpanggap na buyer kapalit ng P70,000.00 marked money ay agad itong inaresto.

 

Nakuha kay Gaje ang isang transparent plastic na naglalaman ng humigit-kumulang sa 150 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P1,400,000.00 ang halaga. (Rene Manahan)