2 tulak arestado sa higit P.3M shabu sa Caloocan

2 tulak arestado sa higit P.3M shabu sa Caloocan

June 23, 2022 @ 2:26 PM 5 days ago


MANILA, Philippines- Kalaboso ang dalawang hinihinalang drug pushers na listed bilang high value individual (HVI), kabilang ang isang tricycle driver matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu nang madakma sa buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLt. Col. Renato Castilo ang naarestong mga suspek bilang sina Gilbert Delo Santos, 24, tricycle driver ng 10th ave, Brgy. 93, at Jerico  Dela Cruz alyas “Rocky”, 33, ng Julian Felipe St., Brgy. 8, kapwa ng lungsod.

Sa report ni Castillo kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ng planned buy bust operation sa Gensan Basketball Court, Julian Felipe St., Brgy. 8.

Matapos tanggapin ang P32,500 marked money money mula sa isang pulis na nagawang makipagtransaksyon sa kanila at umakto bilang poseur-buyer kapalit ng isang large size transparent plastic ng hinihinalang shabu ay agad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek.

Ani PSSg Al Ryan Mangat, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumilang 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P340,000 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 32 pirasong P1,000 boodle money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez