2 tulak huli sa Malabon buy bust

2 tulak huli sa Malabon buy bust

November 13, 2022 @ 4:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos malambat sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw, Nobyembre 12.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Rubendario Salceda Jr, 51 ng Brgy. Potrero at Kelvin Evangelista alyas “Balot” ng Brgy. Longso.

Ayon kay Col. Daro, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Atis Road corner Governor Pascual Avenue, Brgy. Potrero.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P300 halaga ng shabu at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng abot 1 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P6,800.00; at buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura