2 tulak kulong sa P8.5M shabu

2 tulak kulong sa P8.5M shabu

October 13, 2022 @ 2:13 PM 2 months ago


BACOLOD CITY – Naniniwala ang mga awtoridad na para sa MassKara Festival ang nakumpiska nilang malaking halaga ng shabu sa dalawang suspek sa isinagawang buy bust operation, Huwebes sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Alvin Cristales, 27, at Regina Escosio, 44, kapwa residente ng Barangay 1.

Ayon kay Lt. Joven Mogato, hepe ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), nakatanggap sila ng report na may ka-transaksyon si Escosio para kunin ang mga shabu sa La Carlota City, Negros Occidental.

Agad na naglatag ng operasyon ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek at nakuha sa mga ito ang shabu na may bigat na 1.2 kilos na nakalagay sa mga kahon ng tea bag ay aabot sa halagang P8.5 milyon.

Sinabi ni Mogato na ang mga suspek ay dati na rin naaresto na may kinalaman sa illegal drugs taon 2017 at 2020.

Nakalabas ng kulungan si Cristales sa pamamagitan ng plea bargaining taon 2020 habang si Escosio, na umano’y drug runner ay nasa ilalim ng probation.

Dagdag pa ni Mogato na may posibilidad na para sa MassKara Festival sa lungsod ang mga kontrabando dahil sa mataas na demand lalo na sa gaganaping festival. Mary Anne Sapico