2 tulak laglag sa P144K ‘tsongki’ sa Bulacan buy-bust

2 tulak laglag sa P144K ‘tsongki’ sa Bulacan buy-bust

May 28, 2022 @ 2:45 PM 1 month ago


Bulacan- Arestado ang dalawang pinaghihinalaang drug pusher matapos mabilhan at mahulihan ng nasa P144,000 halaga ng marijuana sa lungsod ng Malolos.

Kinilala ni Bulacan Police director PCOL Charlie Cabradilla ang mga suspek na sina Gerardo Padawan at Minerva Tamayo kapwa residente ng Brgy. Sto. Rosario.

Sa report,ikinasa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Malolos police laban sa mga target bandang alas-12:35 ng madaling araw, Mayo 27, sa naturang lugar.

Sinasabing magkasabwat ang dalawa sa pagbebenta ng iligal na droga kaya naaresto ng mga awtoridad.

Nakumpiska sa operasyon ang 11 sachets at isang brick ng pinatuyong dahon ng marijuanan na tumimbang ng 1,200 grams na may estimated price na P144,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang  kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III