2 tulak na bebot nabitag sa Navotas buy bust

2 tulak na bebot nabitag sa Navotas buy bust

December 13, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi inakala ng dalawang bebot na listed bilang drug pushers na pulis ang kanilang nabintahan ng shabu matapos silang matimbog sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang sina Dalagangbukid St., Brgy. NBBS Dagatdagatan si Jennifer Alojacin, 39, (pusher/listed) at Arlene Manaluz alyas “Pungay”, 36, (pusher/listed), kapwa ng Brgy. NBBN.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-2:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni PLt Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa Dalagangbukid St., Brgy. NBBS Dagatdagatan matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta ng shabu ng mga suspek.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa police poseur buyer ay agad silang pinosasan ng mga operatiba.

Ani PLt Rufo, nasamsam sa kanila ang humigi’t kumulang 5.06 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,340 at buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive of Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura