2 tulak nabitag sa Navotas buy-bust

2 tulak nabitag sa Navotas buy-bust

June 1, 2022 @ 2:46 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Kalaboso ang dalawang lalaki na listed bilang drug pushers matapos madamba sa isinagawang buy-bust operation sa Navoyas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang sina Joffrey Jatulan, 45 ng J Lacson St., Brgy. NBBN at Christopher Criste, 46 ng S. Roldan St., Brgy. Tangos South.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo ng buy-bust operation sa Espina St., Brgy. Bangkulasi ng lungsod.

Nang tanggapin ng mga suspek ang P500 marked money mula sa isang pulis na umakto bilang poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 6.1 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price (SDP) Php 41, 480 at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura