2 tulak nadakma ng QCPD

2 tulak nadakma ng QCPD

February 3, 2022 @ 4:34 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang tulak ng shabu matapos na kumagat sa isinagawang buy-bust operation kaninang madaling araw sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga naaresto na sina Reynaldo De Guzman Sr., 58 anyos, may-asawa, walang trabaho at Rogelio De Guzman,  61, kapwa nakatira sa no. 22B Sitio Maligaya Brgy. Bahay Toro Q.C.

Base sa ulat, dakong 3:35 ng madaling araw (February 3) nang isagawa ang drug operation sa Roosevelt Avenue corner E. Beltran St., Brgy. Katipunan Q.C.

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa dalawa ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng  pitong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P47,600, cellular phone at buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharapa sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz