2 tulak nalambat sa Navotas buy-bust

2 tulak nalambat sa Navotas buy-bust

December 21, 2022 @ 2:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sa loob ng rehas na bakal ang bagsak ng dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos malambat sa buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang sina Jomar Adriano, 36, at Sara Baltazar, 40, kapwa residente ng lungsod.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-11:10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa Langaray St., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan.

Isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin nila ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) P40,800.00 at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale) at Section 11 (Possession of Dangerous Drug), Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022). Boysan Buenaventura