2 tulak ng droga sa San Juan City, timbog

2 tulak ng droga sa San Juan City, timbog

July 19, 2018 @ 2:20 PM 5 years ago


 

San Juan City – Bumagsak sa kamay ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Juan City Police Station ang 2 tulak ng droga sa ikinasang drug-buy bust operation Miyerkules (Hulyo 18) ng hapon.

Nakilala ang mga supek na sina; Theresa Mata Bantilan, 54-anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Commonwealth Litex, Quezon City; at Arnulfo Abadines Pangilinan, 56-anyos, binata, dentista at residente ng Barangay Ermitano, San Juan City.

Sa ulat, dakong alas-2:50 ng hapon ay nagsagawa ng drug buy bust ang elemento ng (SDEU) kung saan isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at napagkasunduan na magkita sa kahabaan ng R. Lagmay St., Brgy. Balong Bato ng nasabing lugar na nagresulta ng kanilang pagka-aresto.

Nakuha sa pag-iingat ni Bantilan ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at nakumpiska mula sa kanya ang isang piraso na limang daang peso bill (buy-bust money).

Habang kay Pangilinan ay nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang isang  piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Ang mga naaresto na suspek ay kasama sa drug watch list ng San Juan City Police Station at ang nakuha sa kanila ay gagamiting ebidensyang na dinala sa police station para sa imbentaryo at dokumentasyon habang ang mga kaso ng paglabag ng RA 9165 Sec. 5 na may kaugnayan sa Sek. 26 at Sek. 11 ay inihanda para sa paghain ng mga kaso laban sa mga pinaghinalaan. (Toto Nabaja)