2 tulak ng tobats tiklo sa magkahiwalay na buy-bust sa Valenzuela

2 tulak ng tobats tiklo sa magkahiwalay na buy-bust sa Valenzuela

May 30, 2021 @ 4:44 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Shoot sa kulungan ang dalawang tulak ng iligal na droga matapos madakip sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Ayon kay PCpl Pamela Joy Catalla,dakong alas-12:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa M. Bernardino St., Brgy. Ugong.

Kaagad dinamba ng mga operatiba si Virgilio Silvano alyas “Butchok”, 29, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Narekober kay Silvano ang nasa 7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P47,600 ang halaga, buy bust money, P650 cash, cellphone at sling bag.

Samantala, dakong 1:15 naman ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU si Dennis Calbayar, 36, matapos bentahan ng P8,000 halaga shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy bust operation sa kanyang bahay sa 6906 Balanti St., Brgy. Ugong.

Sinabi ni SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa suspek ang nasa 7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P47,600 ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 15 pirasong P500 boodle money, P390 cash, cellphone at leather pouch. R.A Marquez