2 tulak ng tsongki arestado sa checkpoint

2 tulak ng tsongki arestado sa checkpoint

October 28, 2020 @ 1:00 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang lalaki na tulak ng marijuana matapos masita sa checkpoint habang sakay ng motorsiklo.

Kinilala ni QCPD director, P/Brig. Gen. Ronnie Montejo ang mga naaresto na sina Mark Jayson Geronimo, 24, residente ng 1 Banlat Road, Brgy. Tandang Sora, QC at Ruben Seraspe Marchan, 20, 139 Geronimo Drive, Tandang Sora, QC.

Ayon kay Talipapa Police Station 3 commander P/Lt Col. Jeffrey Bilaro, dakong 2:15 ng hapon nang madakip ang mga suspek.

Lumalabas na nagsagawa ng ‘Oplan Sita’ ang TMRU sa pamumuno ni P/Lt Michelle Mapola sa Lucaria St. Brgy Talipapa, nang kanilang parahin ang mga suspek na sakay ng itim na Honda Click.

Nabatid na nang inspeksyunin ang gamit ng dalawa ay rito na nadiskubre ang dala-dala nilang marijuana.

Narekober mula sa mga suspek ang 10 sachet na naglalaman ng 40 gramo na marijuana na may halagang P4,800.

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •  

Loading...