2 tulak tiklo sa higit P800K damo

2 tulak tiklo sa higit P800K damo

October 3, 2022 @ 4:27 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang tulak matapos na kumagat sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) kaninang madaling araw, Oktubre 3 sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III ang nadakip na sina Salvador Belesario, alyas “Boss”, 18 anyos, Amador Grefal, alyas “Nonoy”, 21, kapwa residente ng Brgy. Commonwealth, Q.C.

Ayon kay Novaliches Police Station (PS 4) commander PLTCOL Von June Nuyda, dakong 2:30 ng madaling araw nang isagawa ang drug operation sa No. 1015 Salvador Ave., Jordan Plains Subd., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Q.C.

Lumalabas na isang impormasyon ang natanggap ng mga kapulisan hinggil sa illegal na aktibidades ng mga suspek sanhi upang ikasa ang operasyon at madakip ang mga ito.

Nakumpiska mula sa dalawa ang mahigit 7000 grams ng marijuana na nagkakahalaga ng P840,000, itim na bag at dapple bag at buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Through endless buy-bust operations like these, we will always labor hard to safeguard the integrity of Quezon City and the well-being of its citizenry from the harmful effects of the dangerous drugs,” pahayag ni PBGEN Torre III.

“I commend the operatives who conducted the anti-illegal drug buy-bust operations that led in the arrest of the suspects and confiscation of the pieces of evidence. These operations will greatly contribute in lessening the drug proliferation in our area of responsibility and generally will help in our continuous campaign against illegal drugs in Metro Manila.” saad naman ni NCRPO acting director PBGEN Jonnel Estomo. Jan Sinocruz