2 tulak tiklo sa P3.4-M shabu sa Tarlac

2 tulak tiklo sa P3.4-M shabu sa Tarlac

October 18, 2020 @ 4:40 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Tarlac, Philippines – Umaabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak matapos ang isinagawang drug buy-bust operasyon sa McArthur Highway sa Brgy. San Roque, Bamban, Tarlac.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Asnoden Hassan, alyas “Anthon”, 23 ng Baltazar Kaliwa, Brgy. Sto. Tomas at Renz Keizer Tarca Bermudez, alyas “Renz”, 19, ng E. Santos, Brgy. Palatiw,  kapwa  sa Pasig City.

Isinagawa ang buy-bust ng pinagsanib na elemento ng PDEA Region III, Tarlac at Pampanga Provincial Offices at PRO-3 Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) sa naturang lugar.

Nasamsam ang isang plastic bag na naglalaman shabu na may timbang na 500 gramo na nagkakahalagang P3.4 million at marked money.

Nahaharap sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Rey Velasco


  •  
  •  
  •  

Loading...