2 tulak tiklo sa QC

2 tulak tiklo sa QC

September 17, 2021 @ 1:49 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang tulak na kinabibilangan ng isang babae matapos na kumagat sa buy-bust operation kaninang madaling-araw sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD District Director PBRIG General Antonio Yarra ang mga nadakip na sina Jay Art Valencia, 26-anyos, binata, walang trabaho at Bernadette Ocampo alyas Wako-Wako, 43, kapwa nakatira sa   no. 17 Ilagan St., Brgy. Paltok, Q.C.

Base sa ulat, dakong 2:10 ng madaling araw nang ikasa ang drug operation ng Masambong Police Station 2 sa harapan ng bahay ng mga suspek.

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang dalawa.

Narekober mula sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu na naglalaman ng limang gramo na nagkakahalaga ng P34,000 gayundin ang buy-bust money.

Nakapiit na ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug of 2002. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •