2 tulak timbog sa 149K shabu sa Navotas

2 tulak timbog sa 149K shabu sa Navotas

November 12, 2022 @ 9:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Isinelda ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu makaraang mabingwit sa buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang si Crisanto Dela Cruz alyas “Cris”, 57 ng Alakaak St. Brgy Kaunlaran at Michael Co, 55 ng Tondo,Manila.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-12:55 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa Dalagangbukid St., Brgy. NBBS Dagatdagatan matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni Dela Cruz.

Nang matanggap ang pre arrange signal mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer na hudyat na nakabili na sya ng shabu kay Dela Cruz ay agad lumapit ang back up na operatiba saka sinunggaban nila ang suspek, kasama ang kasabwat nitong si Co.

Nakumpiska sa mga suspek ang 24 pirasong heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 22 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P149,600, P500 marked money, P500 recovered money at isang kotse.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura