2 tulak timbog sa Malabon buy-bust

2 tulak timbog sa Malabon buy-bust

July 19, 2021 @ 3:30 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang dalawang umano’y tulak ng illegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon city.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Jhofhelleson Cantonhos, 31 ng Brgy. 81 Caloocan City at Fernan Cayetano, alyas Bong/Kuya, 46 ng Atis Road Brgy. Potrero.

Ayon kay PSSg Jerry Basungit, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Atis Road Brgy. Potrero kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng sang sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang humihit kumulang sa 2.0 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,600 at buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura


  •  
  •  
  •