2 tulak timbog sa P222K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

2 tulak timbog sa P222K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

January 13, 2022 @ 2:49 PM 7 months ago


Bulacan-Arestado ang dalawang pinaghihinalaang noturyos na tulak matapos mabilhan at mahulihan ng nasa P222,360.00 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Marilao.

Kinilala ni Acting Bulacan Police director PCOL.Rommel Ochave ang mga suspek na sina Emmanuel Encio ng St.Louis Compound 3,Malinta,Valenzuela at Angelita Ramos ng Brgy.Abangan Norte,Marilao.

Sa report ng Marilao police,ikinasa ang operasyon laban sa dalawang suspek bandang 11:30 pm nitong Miyerkules,Enero 12 sa Brgy.Poblacion.

Nalamang inaresto ang mga suspek matapos mabilhan at mahulihan ng pinaghihinalaang shabu ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Marilao police.

Nakumpiska sa operasyon ang tatlong piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng 32.7 gramo,may Dangerous Drug Board value na P222,360.00 at buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong sa Marilao  police station custodial facility ang mga suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.(Dick Mirasol III)