2 UP-Manila grads namayagpag sa October 2022 Physician licensure exam

2 UP-Manila grads namayagpag sa October 2022 Physician licensure exam

November 10, 2022 @ 10:56 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Dalawang graduate mula sa University of the Philippines (UP) Manila campus ang nakakuha ng una at iklaawang pwesto sa October 2022 Physician Licensure Examinations, ayon sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes ng umaga.

Nakakuha si Justin Adriel Zent Gautier Togonon ng highest rating na 89.0 percent habang si Francesca Marie Abu Larosa ay pumangalawa sa rating na 88.75%.

May kabuuang 3,826 sa 5,958 ang nakapasa sa pagsusulit sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga noong Oktubre 2022.

Samantala, ang Angeles University Foundation ang itinanghal na top performing school na may 100 percent passing rate. RNT/SA