2 US FDA advisory panel member, nagbitiw sa Alzheimer’s drug approval



2 US FDA advisory panel member, nagbitiw sa Alzheimer’s drug approval

June 10, 2021 @ 8:19 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

WASHINGTON – Nagbitiw sa pwesto ang dalawang miyembro ng US Food and Drug Administration advisory panel bilang protesta sa naging desisyon ng ahensya na payagan ang gamot ng Biogen Inc’s Aduhelm para sa Alzheimer’s disease sa kabila ng hindi pagsang-ayon ng komite rito.

Ang panel na binubuo ng 11 na miyembro ay halos bumoto unanimously noong Nobyermbre kontra sa nasabing gamot dahi sa inconclusive na ebidensyang makapagpapatunay na epektibo ito.

“I was very disappointed at how the advisory committee input was treated by the FDA,” ani Mayo Clinic neurologist Dr. David Knopman sa Reuters. “I don’t wish to be put in a position like this again.”

Matatandaan na nitong Lunes lang nang bigyan ng FDA ang gamot ng “accelerated approval,” base umano sa ebidensya na nababawasan nito ang sinasabing nagiging dahilan ng Alzheimer’s.

Martes din nang magbitiw si Washington University neurologist Dr. Joel Perlmutter, dahil sap ag-apruba ng FDA sa Aduhelm nang hindi man lang pinaliwanag ang aksyon sa mga advisor nito. RNT


  •  
  •  
  •