2 US Navy warships umarangkada patungong Taiwan Strait

2 US Navy warships umarangkada patungong Taiwan Strait

August 28, 2022 @ 2:45 PM 1 month ago


WASHINGTON, United States – Dalawang US warships ang nagtungo sa Taiwan Strait nitong Linggo, ayon sa American navy, ang unang transit mula nang magsagawa ang China ng military drills sa isla.

Inihayag ng US Navy na ang transit “demonstrates the United States’ commitment to a free and open Indo-Pacific.”

Umigting ang tensyon sa Taiwan Strait nitong buwan matapos bumisita si US House Speaker Nancy Pelosi saTaipei.

Ikinagalit ito ng Beijing, na nagsagawa ng ilang araw na air at sea exercises sa paligid ng self-ruled island.

Mula pa noon ay nahaharap ang Taiwan sa pagbabanta at pagsakop ng ng China, na inaangkin ang una bilang teritoryo nito at darating ang panahon na kukunin ito– sapilitan kung kinakailangan.

Pinananatili ng Washington ang de facto relations sa Taiwan at sinusuportahan ang isla na magdesisyon para sa sarili nito. RNT/SA