2 wanted na SoKor nat’ls naaresto ng BI

2 wanted na SoKor nat’ls naaresto ng BI

March 17, 2022 @ 10:24 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa dalawang South Korean national na kapwa wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa large-scale fraud.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ng fugitive search unit ng BI ang mga dayuhan na sina Son Hyungjun, 36, at Choi Jong Bok, 40, na naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Pampanga nitong Miyerkules.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si Son na naaresto sa Angeles Pampanga, ay inakusahang miyembro ng telecommunications fraud syndicate na nakapanggantso ng 22 million won, o nasa halos US$18,000 mula sa kanyang nabiktima.

“Son, who is subject of an arrest warrant from the Busan district court in South Korea, and his cohorts allegedly ran their racket from their headquarters in China wherein they made calls to their victims in Korea through voice phishing,” saad ni Sy.

Samantala, ang dayuhang si Choi na naaresto sa Porac, Pampanga ay wanted umano sa “swindling” ng higit P7 milyon sa pamamagitan ng investment scheme.

Ang pagkakaaresto kay Choi ay bunsod sa arrest warrant na inisyu ng Nambu district court sa Seoul dahil sa kasong fraud.

Nabatid kay Sy na binawi na ang passport ng dalawang inarestong dayuhan kaya’t kinukunsidera na ang mga ito na undocumented aliens at nakatakdang ipatapon pabalik ng kanilang bansa.

“A check of their travel records also revealed that both of them are already overstaying as they have been hiding in the country since they last arrived here as tourists in 2018,” ayon pa sa BI.

Kasalukuyang nakakulong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang dalawang dayuhan. JAY Reyes