2 wanted sa Malabon binitbit sa selda

2 wanted sa Malabon binitbit sa selda

July 14, 2021 @ 7:30 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang wanted person sa isinagawang joint operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Malabon city.

Sa report PSMS Alddrich Reagan De Leon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PSMS Joey Sia ng joint operation, kasama ang SIS, 4th MFC at RMFB-NCRPO sa 1st St., Brgy. Tañong na nagresulta sa pagkakaaresto kay John Denmark Labain, 27.

Ayon kay PCMS Gilbert Bansel, inaresto si Labain sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Frustrated Murder na inisyu noong July 6, 2021 ni Hon. Misael Modelo Lagada, Presiding Judge RTC Branch 292, Malabon City.

hiwalay na operation, naaresto din ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PSMS Armando Isidro Jr, si Eduardo De Leon, 42, malapit sa kanyang bahay sa Valdez St., Brgy. Catmon dakong alas-9:15 ng gabi.

Si De Leon ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Theft na inisyu noong July 9, 2021 ni Hon. Maya Joy Panaga Guiyab-Camposanto, Presiding Judge, MTC, Branch 120 Malabon City. Boysan Buenaventura