2 week extended MECQ sa MM hirit ng OCTA

2 week extended MECQ sa MM hirit ng OCTA

September 5, 2021 @ 10:19 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Humihirit ang OCTA Research Group sa pamahalaan na palawigin pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Kung maaari umano ay dalawang linggo pa ang gawing extension para rito.

Ito ay dahil mataas pa rin o nasa 1.4 ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila ayon kay OCTA research fellow Prof. Ranjit Rye.

Giit ni Rye, mas mataas pa rin sa 1 ang reproduction number nangangahulugan na delikado pa rin ang Metro Manila sa COVID surge.

Ipinunto pa nito na kung hindi bababa sa 1 ang reproduction number, nangangahulugan lamang ito na hindi mapapababa ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa Setyembre 7 nakatakda na sanang magtapos ang MECQ ngunit nakadepende pa rin sa IATF at sa Pangulo kung palalawigin ito.

Sinabi naman ng OCTA na posible pa rin ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 pero hindi ito agad agad. RNT