20-anyos kulong sa ampalaya

20-anyos kulong sa ampalaya

February 2, 2022 @ 11:00 AM 8 months ago


BANGA, AKLAN- Sa kulungan ang kinabagsakan ng isang lalaki matapos itong mahuli sa aktong nagnanakaw ng ampalaya, kagabi sa bayang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Ronie Pereira, 20 anyos ng Paraiso Road, Linabuan, Sur Banga.

Sinabi ni Reynaldo Siason, nasa hustong gulang, residente ng Jumarap, Banga, nangunguha siya ng mga bunga ng ampalaya sa kanyang mga pananim nang bigla na lamang sumulpot ang suspek.

Dito, walang pakundangang dinampot ng suspek ang nasa 19-kilong ampalaya saka itinakas.

Mabilis naman humingi ng tulong sa mga awtoridad si Siason at ipinagbigay-alam ang pangyayari.

Sa isinagawang manhunt operation ng Banga Police Station nadakip ang suspek at inihahanda ang kaukulang kaso./Mary Anne Sapico