20% discount sa mga jeep, muling ipinaalala ng LTFRB

20% discount sa mga jeep, muling ipinaalala ng LTFRB

July 13, 2018 @ 7:53 PM 4 years ago


Manila, Philippines –Matapos ang pag-apruba ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa P1 dagdag-pasahe sa mga jeep mula P8 pataas ng P9, dagsa rin ang mga reklamo ng mga estudyante, persons with disability (PWD) at mga senior citizen.

Ayon sa mga ito, tila nalimutan ata ng mga tsuper na 20% ang kanilang discount at hindi piso.

Ibig sabihin, dapat ang sisingilin lang ay P7.20 at hindi P8.

Sa mga reklamo sa social media, ilang tsuper ang bigong ipatupad ang 20 porsiyentong tapyas sa pasahe sa mga estudyante at naniningil pa rin ng P8 imbes na P 7.20 lamang

Muli namang klinaro ng LTFRB hindi dapat “i-round off” sa P8 ang singil sa mga nasabing pasahero.

 

Bukod dito, dapat anilang ipaskil sa mga jeep ang tamang presyo ng pasahe o yung tinatawag na matrix.

Ang hindi susunod sa patakaran ay maaaring magmulta ng P5,000-P15,000 at kanselahin ang prangkisa depende kung pang-ilang paglabag na. (Remate News Team)