20 int’l trips ng Climate Change Commission ngayong 2022, sinita sa Senado

20 int’l trips ng Climate Change Commission ngayong 2022, sinita sa Senado

November 16, 2022 @ 5:20 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Posibleng ma-ban sa paglalakbay sa ibang bansa ang mga opisyal ng policy-making body on climate change ng pamahalaan sa 2023 sa pagsita ng mga senador sa 20 trips nila sa loob ng pitong buwan.

“This body has been in existence for 13 years and indeed has very little to show except for international travels and its carbon footprint,” pahayag ni Senator Imee Marcos nitong Miyerkules sa Senate deliberations sa proposed P128-million budget ng Climate Change Commission para sa 2023.

“From April to November this year, 20 trips were recorded by the Climate Change Commission,” dagdag niya.

Inihayag ni Marcos na ipo-propose niya ang probisyon sa ilalim ng budget ng komisyon sa General Appropriations Bill “disallowing travel unless absolutely necessary.”

Para kay Senate President Pro Tempore Loren Legarda, sapat na ang “post-travel reports on necessary travel.”

“I think that should apply not just to the Climate Change Commission but to all agencies in the executive department so that whatever conferences they attend can be used for policy,” giit niya.

Hiniling ni Legarda sa komkisyon na magsumite ng 20 ulat ukol sa mga biyahe nito kamakailan,  bukod pa sa impormasyon sa lahat ng mga pondo at proyekto na naiambag sa pamahalaan mula nang buuin ang body sa pamamagitan ng Climate Change Act of 2009.

Ang Climate Change Commission ay attached agency sa Office of the President, na pinamumunuan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Inaprubahan ng Senado ang 2023 budget nito ngayong araw subalit sinabi ni Legarda na sa privilege speech niya sa susunod na linggo, tatalakayin niya ang ilang isyu sa ahensya. RNT/SA