20 NBA stars nakabitin ang career

20 NBA stars nakabitin ang career

July 27, 2022 @ 2:55 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa mahigit 20 mga players, kasama ang mahuhusay na veterans, ang nasa free-agency ng NBA matapos mapaso ang kanilang kontratra at tumangging magkaroon ng extension.

Ayon sa ulat, nakabitin ang career, ngayon ay nasa free agency,  ng 23-year-old scoring guard mula sa Cleveland Cavaliers na si Collin Sexton na nasa restricted free agent market.

Kasama rin sa free agency ang veteran players na sina Carmelo Anthony ng Lakers, Blake Griffin ng Brooklyn at Dwight Howard ng Lakers ay nag-aantay din na kunin ng ibang mga teams.

Nakabitin din ang career nina center Hassan Whiteside ng Utah Jazz, Tristan Thompson ng Chicago Bulls, LaMarcus Aldridge ng Brooklyn Nets, Demarcus Cousins ng Denver Nuggets, Rajon Rondo ng Cavs, point guard ng Charlotte Hornets na si Isaiah Thomas, at iba pa.JC