20% ng target population sa MM ‘fully vaccinated’ na sa Agosto — OCTA

20% ng target population sa MM ‘fully vaccinated’ na sa Agosto — OCTA

July 10, 2021 @ 2:10 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nasa 20 porsyento ng target ng populasyon ng National Capital Region’ ang magiging ‘fully vaccinated’ na sa Agosto.

 

“Actually, may mga LGUs (local government units) nga more than 20 percent [fully] vaccinated,” saad ni David.

“Malaking bagay kasi yan kapag marami na talaga yung protected sa atin and ang palagay natin baka mga August ma-achieve na yung 20 percent.”

Hindi man aniya maabot ang “population protection,” maaari namang ikonsidera ang 20% na landmark achievement.

Samantala, sinabi ni David na maaaring ikonsidera ngh gobyerno ang desisyon sa general community quarantine (GCQ) at  modified general community quarantine (MGCQ) sa NCR vaccination rate.

“Sa palagay ko parang pwede rin naman nating sundin [ang rate of vaccination] kasi based dun sa tracking ng vaccination ang binabantayan natin kelan tayo magkakaroon sa NCR ng at least 20 percent fully vaccinated,” dagdag pa nito. RNT/FGDC