20 pagyanig naitala sa Mt. Kanlaon

20 pagyanig naitala sa Mt. Kanlaon

July 16, 2022 @ 4:50 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naiulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Sabado na nakapagtala ito ng hindi bababa sa 20 volcanic earthquakes sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa ulat ng Phivolcs, nagbuga ang bulkan ng 151 tonnes ng sulfur dioxide mula Mayo 1.

Ayon pa sa ahensya, nananatili ang bulkan sa Alert Level 1, o low-level unrest.

Patuloy din ang paalala at babala nito na bawal ang pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone at pagpapalipad ng eroplano malapit sa bulkan.

It added that possible hazards that can occur include sudden steam-driven or phreatic eruptions. RNT/SA