20 patay sa magnitude 5.6 na lindol sa Indonesia

20 patay sa magnitude 5.6 na lindol sa Indonesia

November 21, 2022 @ 5:33 PM 2 weeks ago


JAKARTA, Indonesia – Umakyat na sa 20 ang nasawi sa magnitude 5.6 na lindol na yumanig sa West Java Province, Indonesia nitong Lunes, Nobyembre 21.

Ayon kay Herman Suherman, isang opisyal ng pamahalaan sa Cianjur, West Java, naitala ang sentro ng lindol sa kanilang lugar at nagresulta ito sa pagkasawi ng 20 katao at mahigit 300 ang nasaktan.

“This is from one hospital, there are four hospitals in Cianjur,” ani Suherman.

Dahil dito ay posible pa umanong tumaas ang bilang ng mga nasawi at nasaktan dahil sa nangyaring lindol.

Ayon kay weather and geophysics agency, naitala ang sentro ng lindol sa Cianjur na 75 kilometro timog-silangan ng kabisera nito na Jakarta, at may lalim na 10 kilometro.

Sa inisyal na ulat, labis na naapektuhan ang ilang tirahan at Islamic boarding school ngunit nagpapatuloy pa ang pagtaya kung gaano kalawak ang pinsala sa pagyanig. RNT/JGC