20 tricycle hinatak sa clearing operation ng MMDA, MTPB

20 tricycle hinatak sa clearing operation ng MMDA, MTPB

June 28, 2018 @ 1:59 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Hinatak ng pinagsanib na puwersa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang 20 tricycle sa panulukan Abad Santos at Avenida Rizal kaninang umaga.

 

Nasorpresa naman ang mga tricycle driver nang makita ang presensya  ng mga tauhan ng MMDA at MTPB sa lugar at  talian ang kanilang mga tricycle.

 

Ang mga tricycle na ito ang dahilan kaya nagsisikip ang daloy ng mga sasakyan kung saan sila ay  nagteterminal  sa magkabilang babaan ng LRT  Abad Santos station  .

 

Ayon kay MMDA Operations chief Bing Nebrija, nagiging one way ang kalsada dahil sa mga  nakaparadang tricycle na nag aabang ng mga pasahero. Aniya pa, marami na ang natatanggap nilang reklamo kaya naman nagpasya na silang linisin ang lugar .

 

Binigyan diin naman ni MTPB Director Dennis Alcoreza na rush hour tuwing umaga at hapon binabantayan ng kanyang mga tauhan ang lugar.

 

Matatapang pa ang mga tricycle driver tuwing pagbabawalan na nauuwi pa umano sa sakitan.

 

Inihalimbawa ni Alcoreza ang pamamaslang sa kanyang tauhan na si Ruben Pangindian na binaril habang nagsasagawa ng clearing operation sa Parola kamakalawa. (JOCELYN TABANGCUEA-DOMENDEN)

| Remate File Photo