200 arawang COVID cases sa NCR, posible sa katapusan – OCTA

200 arawang COVID cases sa NCR, posible sa katapusan – OCTA

February 17, 2022 @ 10:21 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Posibleng bumaba sa 200 ang maitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region sa katapusan ng Pebrero, ayon sa OCTA Research, Huwebes.

“For Metro Manila, we’re hoping that it would be down to around 200,” sabi ni OCTA Research fellow Guido David sa CNN Philippines.

Idinagdag niya na ang figure na ito, kasama ang kanilang inaasahang mas mababa sa 1,000 araw-araw na nationwide tally sa pagtatapos ng Pebrero, ay “approximately what we were seeing late last year before the Omicron surge.”

Nakapagtala ang rehiyon ng 632 na bagong impeksyon noong Peb. 16, ayon sa COVID-19 tracker ng Department of Health.

“With mostly fresh cases, this feels like a Valentine spike. The figure shows that it is above the Jan. 24 projections. Let’s continue to practice health protocols. The virus is still here,” saad pa sa tweet si David, Miyerkules ng gabi.

Idinagdag niya na inaasahan pa rin ng OCTA na ang positivity rate ng rehiyon ay magiging mas mababa sa 5% sa Marso 1, kung saan ngayon ay bumaba na sa 6.6%. RNT