200 bahay tinupok ng sunog sa Iloilo

200 bahay tinupok ng sunog sa Iloilo

January 29, 2023 @ 1:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinupok ng sunog ang 234 tirahan sa Barangays West Habog-Habog at Zone 2, San Juan sa Molo district pasado alas-4 ng madaling araw nitong Sabado, Enero 28.

Ito ay ayon sa ulat ng Iloilo City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kung saan ayon kay
CSWDO head Teresa Gelogo, tumutuloy sa 21 classroom sa Baluarte Elementary School at 13 classrooms sa San Juan Elementary School ang mga apektado.

Sa 234 bahay na apektado, 172 sa mga ito ay sa West Habog-Habog village habang 62 sa San Juan.

ā€œThe validation of affected families is still ongoing. So far we have validated 91 households in West Habog-Habog,ā€ ani Gelogo.

Idinagdag pa niya na binigyan na ng isang sakong bigas at iba pang non-food items sa evacuation center ang mga pamilyang nawalan ng tirahan na inaasahang magtatagal pa ng 15 araw.

ā€œWe have established community kitchens inside and outside the evacuation centers since there are adjacent barangays that have volunteered to help cook for their food,ā€ dagdag niya.

May sapat rin umano na suplay ng relief goods ang lokal na pamahalaan at magbibigay din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ipinag-utos na ni Mayor Jerry TreƱas sa City Health Office na magpadala ng mga doktor at nurse sa evacuation centers.

ā€œI do not want an increase in the case of acute gastroenteritis in the evacuation centers,ā€ aniya.

Iniimbestigahan naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog. RNT/JGC