200 Bilibid inmates, tinamaan ng TB

200 Bilibid inmates, tinamaan ng TB

April 7, 2022 @ 4:23 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 200 bilanggo mula sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City ang tinamaan ng pulmonary tuberculosis.

Ayon kay Bureau of Corrections spokesman Gabby Chaclag , ito ang iniulat sa kanila ni Dr. Henry Fabro ng Bureau of Corrections Health Service.

Kasalukuyan nang naka-isolate ang mga naturang persons deprived of liberty ng NBP.

Dahil dito, magsasagawa rin ang BuCor ng mass screening sa lahat ng mga bilanggo para agad na maihiwalay ang sinumang magpopositibo rin sa sakit.

Nabatid na aabot sa 208,000 ang mga preso sa Bilibid. RNT/ JCM