200 gamut idinagdag sa VAT exemption list

200 gamut idinagdag sa VAT exemption list

May 14, 2022 @ 9:27 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang generic names ng karagdagang 200 gamot na exempted mula value-added tax (VAT).

Ang mga pangalan ay nakapaloob sa Revenue Memorandum Circular 68-2022 na nilagdaan ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay base sa abisong isinumite sa Food and Drug Administration.

Ginagamit ang mga gamut sa hypertension, cancer, mental illness, tuberculosis, kidney disease, diabetes at mataas na cholesterol.

Maliban dito, kasama rin sa VAT exemption privilege ang mga COVID-19 related medicines at medical devices sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises.

Samantala, kabilang naman sa pinakabagong VAT-free drugs ang Furosemide, Irbesartan, Labetalol Hydrochloride, Metformin, Fenofibrate+Resuvastatin, Ketoanalogues+Essential Amino Acids, Citicoline, Vortioxetin, Rivastigmine, Zonisamide, Isoniazid+Pyridoxine, Pyrazinamide+Ethambutol, Abemaciclib, Alpelisib, Doxorubicin Hydrochloride, Flourouracil, Lenalidomide, Budesonide, Metropenem, Metronidazole, Piperacillin, Tazobactam at Vancomycin. RNT/ JCM