200 pamilya nawalan ng tahanan sa sunog sa Kabite

200 pamilya nawalan ng tahanan sa sunog sa Kabite

August 13, 2022 @ 1:30 PM 2 months ago


BACOOR CITY, Cavite- Halos 200 pamilya ang nawalan ng tahanan nang magliyab ang 50 bahay sa Tramo, Barangay Maliksi 2 nitong Biyernes.

Sinabi ng Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office na naiulat ang sunog bandang alas-3:42 ng hapon at umabot sa second alarm pagsapit ng alas-3:58 ng hapon.

Sa isang Facebook post, binanggit ng City Government of Bacoor na 23 firetrucks ang rumesponde sa sunog, kabilang na ang mula sa mga karatig-bayan at munisipalidad.

Idineklarang under control ang sunog ng alas-5:34 ng hapon at tuluyang naapula pagtungtong ng alas-6:05 ng hapon.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima sa Maliksi Elementary School.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog. RNT/SA