200 pang COVID-19 variant cases naitala

200 pang COVID-19 variant cases naitala

May 30, 2021 @ 10:08 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala pa ng karagdagang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) variants sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa sequencing ng Genome Center and the University of the Philippines’ National Institute of Health, natuklasan ang isa pang kaso ng B.1.617.2 (India) variant case; 104 B.1.1.7 (United Kingdom) variant cases, 137 B.1.351 (South Africa) variant cases, at apat P.3 variant cases na unang nadiskubre sa bansa.

Dahil dito mayroon nang 13 kabuuang kaso ng B.1.617.2 variant cases, 1,071 B.1.1.7 cases, 1,246 B.1.351 cases, at 162 P.3 variant cases.

Mula ito sa 7,547 samples na sumailalim sa sequencing.

Ang bagong bagong India variant ay mula sa returning overseas Filipino (ROF) mula sa United Arab Emirates.

Sa UK variant cases, isa ay ROF, 89 ay local cases habang 14 ang bineberipika pa.

Lima sa mga kaso ay aktibo habang tatlo ang pumanaw sa sakit at 96 ang gumaling na.

Sa 137 namang kaso ng South Africa variant, 127 dito ay local cases at siyam ang bineberipika pa.

Gumaling na sa mga ito ang 123 indibidwal habang lima ang nasawi at siyam pa ang aktibo.

Nakarekober naman ang tinamaan ng PH variant kung saan tatlo ay local cases habang isa pa ang bineberipika.

“The detection of additional VOC cases supports the need for strict adherence to MPHS to minimize risk of exposure and infection and getting vaccinated once it is our turn,” ayon sa DOH.

“Also, despite local presence of these variants of concern, we can minimize their transmission as well as the emergence of new variants by keeping case numbers down,” anila pa. RNT/ELM