200 rekomendasyon sa human rights review, tinanggap ng Pilipinas – Remulla

200 rekomendasyon sa human rights review, tinanggap ng Pilipinas – Remulla

November 17, 2022 @ 10:54 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinanggap ng Pilipinas ang nasa 200 rekomendasyon na ginawa ng mga member-states ng United Nations Human Rights Council kasabay ng Universal Periodic Review (UPR), ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sinabi nito sa UNHRC plenary.

Kabuuang nasa 289 rekomendasyon ang laman ng ulat para sa Pilipinas at ayon kay Remulla, ang tugon para sa natitira pang 89 na rekomendasyon ay naipasa na sa UNHRC “in due course.”

“The promotion and protection of human rights is a solemn constitutional commitment and constant endeavor that the Government of the Philippines shall never waver from,” ani Remulla.

“In this spirit, and as preliminary action, we are proud to announce the acceptance of 200 recommendations – more than two-thirds of all the recommendations during our UPR,” dagdag pa niya.

Kabilang aniya sa mga tinanggap na rekomendasyon ng Pilipinas ay ang mga sumusunod: “UN Joint Program, Philippine Commission on Human Rights, a National Human Rights Action Plan, combating discrimination and gender-based violence, maintaining a moratorium on the death penalty, preventing extra-judicial killings, conducting independent investigations, decongesting prisons, further expanding access to justice, protecting human rights defenders and journalists, promoting the rights to education, health, adequate standard of living, upholding the rights of persons with disabilities, indigenous peoples, women, children, refugees, and stateless persons.”

Ayon kay Remulla, ang harassment at intimidation sa right defenders at extra judicial killings ay hindi polisiya ng estado.

Kasabay ng 41st session ng UPR, tiniyak niya na magsisikap ang pamahalaan na palakasin ang human rights at magbibigay ng vibrant democracy kung saan maiingatan ang mamamayan sa kanilang freedom of expression, pagbibigay ng opinyon at karapatan na magtipon-tipon.

“Let me say this in no uncertain terms: There is no state policy to attack, harass or intimidate human rights defenders, including environmental rights defenders, lawyers and other practitioners of the legal profession, and the media,” aniya.

“Classifying a death that occurred during an anti-illegal drug operation as extra-judicial killing by default runs counter to the tenets of due process and the rule of law,” dagdag pa nito.

“We will never tolerate the abuse of power and use of force beyond the bounds of law.”

Ang UPR ay nagkasa ng kanilang ika-41 na sesyon ngayong taon kung saan sinusuri nila ang human rights records sa UN member-states at tinutugunan ang mga karahasan at pang-aabuso na nangyayari sa mga bansang ito. RNT/JGC